MAINIT NGAYON SA BICOL

Ni Khryss Arañas

Mainit ngayon sa Bicol
Hirap nang huminga ang mga tao dahil sa init
Kinakailangan ding palagian ang pagdala ng tubig
Kailan kaya bubuhos ang ulan?

Mainit ngayon sa Bicol
Pagtapak mo pa lang sa sahig ay malalapnusan na
Mabibigla ka’t makikita ka nila
Bakit ba mainit sila kung tumingin?

Mainit ngayon sa Bicol
Sanay na ang tao sa init kaya ang payong ay bibihira na
Kaya ‘pag nagdala ka nama’y magtitinginan sila
May mali bang labanan ang init?

Mainit ngayon sa Bicol
‘pag nagreklamo ka sa init, mas iinitan ka
‘pag wala kang ginawa, mainit pa rin
Marami na ring namatay sa init

Mainit ngayon sa Bicol
Si Ryan, Nelly, at Nephtali
Namatay sila sa init tulad ng mga nauna pa
Kailan kaya bubuhos ang ulan?

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *