Ang Pugang Tagapagsalita

Ni Michael Halum, Contributor

Ano itong nabalitaan ko?
Nahilig na palang magrecycle ang gobyerno;
Ang materyal na basura,
Kapag itinapon pwede pa;
Ngunit kung basurang buwaya!…
Aba’y masyado atang nakakasuka.

Isang pulitikong asset ay NUNAL
Isama na rin mukha nyang kay kapal-kapal,
‘Di na nadala sa Hello Garci Scandal
Gusto pang gumawa ng panibagong revival.

Napakatalinong paslit!
Kaya nga sobrang nakakabwisit
Hilig raw talaga nyang pumuslit
So thankful sya kay lord
Kasi ginawa syang bulilit.

Nung minsa’y mahospital arrest,
Sa mahiwagang neckbrace naman kumapit…
Laos na taktika ng mga expert
Idagdag pa ang mga dahilang napaka-talkshit!

Ang sarap lang magmura
Umeksena pa talaga itong NUNAL sa SONA,
Na kahit walang mic ay kinaya
May hand gesture pang viral sa social media.

Motto nya raw kasi ay “Grab the Opportunity”
Kaya habang wala si Alvarez,
Siya muna ang nagpaka-Mini Me
At happy sya dun
Kasi siya ang itinanghal na “Star of the Crocodile Party”

Sa kanyang muling pamamahala,
Puputok na naman sinungaling nyang bungana.
Kaya wag na wag tayong maniniwala,
Dahil ‘history repeats itself’ ika nga.

Labindawang taon ang nakaraan,
Kabataa’y kanyang napagdiskitahan;
Gamit ang minion nyang si Palparan,
Baril at bala’y kanilang kinasangkapan –
Tugon sa hinihiling na karapatang pangkabataan.

Dahil sa bulok na sistemang panlipunan
Isang Ka Ambo ang natutong lumaban
Nanindigan para sa karapatan
Hangad ay magandang kinabukasan.

Labindalawang taon man ang lumipas
Pakikibaka’y di magwawakas
Hanggat walang hustisyang namamalas
Kabataa’y patuloy na mag-aaklas.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *