Bungkalan sa Deagan island tuloy na ngayong Hunyo

Ulat ni Jessabel Tabios

MASBATE CITY – Sa isinagawang Picket Dialogue kahapon sa Department of Agrarian Reform (DAR) – Masbate ng Kilusang Magbubukid ng Masbate (KMM), napagkaisahang ituloy na ang bungkalan sa isla ng Deagan, Dimasalang sa darating na Hunyo ngayong taon.

Nagdesisiyon na rin ang DAR probinsya na paalisin na ng Impark Corporation ang mga nilagay nilang guards sa isla at ang produksyon ng copra ay pangangasiwaan na ng kooperatiba ng mga magsasaka sa Deagan.

“Nais namin iparating sa kagalang galang na director na ang bintahan at bilihan sa isla deagan ay dapat makontrol. Dahil matagal na, halos mauubos nalang ang mga lupain pero walang nagawa ang opisina ng DAR,” ayon kay Urbano Manangat, Deagan Kaunlaran Agrarian Reform Beneficiaries- Multipurpose Cooperative (DKARB-MPC) Chairman.

“Panawagan naming bigyang linaw at ihinto ang bilihan para patuloy na makapagtanim na ang mga magsasaka sa isla ng deagan,” dagdag ni Manangat.

Talamak ang pamimili ng mga lupain sa isla ng Deagan at ito’y patuloy na nararanasan ng mga magsasaka sa nasabing lugar.

Patuloy na kinukundina ng KMM ang mga sapilitang pamimili ng mga lupain at mga panggagamit ng mga armadong lakas sa isla ng Deagan. (BaretangBikolnon.com)

Kuha ni Jessabel Tabios ng Baretang Bikolnon

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *