Buhay Ng Kahoy

Ni Keenen Lim

Dumarating sa ating buhay ang kabiguan pati ang pagluha ay hindi rin mapipigilan. Nangyayari ang hindi natin inaasahan na hindi napapaghandaan dahil biglaan. Tipong parang uud bigla-bigla na lang susulpot na walang pasintabi man lamang. Hindi natin alam kung ano ang dulot nito sapagkat ang buhay ay punong-puno ng pakikipagsapalaran, hindi paraiso ang mundo.

Mayroong kawikaan ngang “kung may lumbay, may ligaya; kung may hirap, may ginhawa.” Tulad ng kahoy may madaling mabali madaanan lamang ng unos at mayroon namang tumatayo pa rin gaano man karaming unos ang dumating. Tulad ng kahoy inuulit ko, nagsasanga-sanga,yumayabong ang dahon tila isang /ka:ibigan/ naglalaho lalo na kapag may uud na dumating hanggang sa tuluyan ng lumisan. Ngunit kailangang maging matatag dahil ang pundasyong sa likod ng mga kasawian ay may katumbas ding maraming tagumpay. Ang sipag, tyaga, paninindigan,talino, at ang pinakamahalaga sa lahat ay walang iba kundi pananalig sa Diyos. Ito ang ilan lamang sa mga puhunang pinagsusumikapan kong taglayin upang maging sapat ang pangangailangan o tagumpay sa pagsisipat ng magandang buhay.

Batid ko rin na nakasalalay ang pag-asa o kinabukasan ng buhay sa magandang saloobin at nararapat magbunga’t payabungin sa isang magandang hinaharap. Kaya ako’y nabubuhay sa kabila ng masalimuot na buhay kasabay ang mga uod. Ito ay nagsanga-sanga ng aking makukulay na karanasan… ng aking mga kabiguan.. ng aking mga pagsubok na patuloy kung hinihimok sa aking buhay. Ang uod ay magiging tuntungan para sa higit pang pagpupunyagi at galak sa hamon ng buhay upang matamo ko ang aking minimithing magandang buhay hindi lang para sa aking sarili kundi pati na rin sa pangkabuuan.

Naniniwala sila na mas madali raw yumaman ang wika sa pamamagitan ng pagsasalin (Ingles-Filipino) na nagyayari ngayon sa Wikang Filipino kung ating sasaliksikin ng husto ang akin naman, paano matutunan ng mag-aaral ang banyagang wika kung wala sila (mag-aaral) kompetensi sa unang wikang ginamit nila mula ng sila ay namulat sa mundong kanilang ginagalawan.

Makakabuti at mabisa kung sa unang wika muna sila (mag-aaral) hinahasa bago maglapat ng bagong wika dahil ito ang tunay na pagpapayaman ng wikang sarili natin bukod sa pagiging mamamayang Pilipino kinakailangan at nararapat lamang na ang unang wika ang isipat sa iskema para sa pagtuturo-pagkatuto ng mag-aaral lalong-lalo na Pilipino tayo dapat Wikang Filipino ang mas ginagamit natin kaysa sa banyaga .

Higit sa lahat sino ba ang dapat magpapayaman ng sarili o unang wikang ating ginamit simula-sa-simula diba tayong mga mamamayang Filipino hindi ang sino mang banyaga tulad ng mga heganteng bangus.

Karagdagan, maraming hindi nakakaalam kapanahonan pa ni Lope K. Santos (1939) ang balarila ng Wikang Pambansa, napakatagal na at hindi na nasundan ito. Napag-iiwanan na tayo at sa kabila nito wala pa ring aksyon bagkus pinapayaman ang wikang banyaga. Isang hangal at takwil sa bayan ang may kaisipan na pagyamanin ang Wikang hindi naman natin pag-aari. (BaretangBikolnon.com)

You May Also Like

One thought on “Buhay Ng Kahoy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *